Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 24

Levitico 24:7-11

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
7Dapat maglagay ng isang purong insenso sa tabi ng bawat linya ng mga tinapay bilang isang simbolo ng mga tinapay. Susunugin ang insensong ito para kay Yahweh.
8Bawat Araw ng Pamamahinga ang punong pari ang dapat na palaging maglagay ng tinapay sa harap ni Yahweh, sa ngalan ng mga tao ng Israel. Bilang isang tanda ng walang hanggang tipan.
9Ang pag-aalay na ito ay para kay Aaron at ng kanyang mga anak na lalaki. Dapat nilang kainin ito sa isang lugar na banal, dahil ganap na inilaan ito sa kanya, yamang kinuha ito mula sa mga alay para kay Yahweh na gawa sa apoy.”
10Ngayon nangyari na ang anak na lalaki ng isang babaeng Israelita, na ang ama ay isang taga-Ehipto, sumama sa mga bayan ng Israel. Itong anak na lalaki ng isang babaeng Israelita ay nakipag-away sa isang lalaking Israelita sa kampo.
11Ang anak na lalaki ng babaeng Israelita ay nilapastangan ang pangalan ni Yahweh at nilait ang Diyos, kaya dinala siya ng mga tao kay Moises. Ang pangalan ng kanyang ina ay Shelomith, ang anak na babae ni Dibri, mula sa lipi ni Dan.

Read Levitico 24Levitico 24
Compare Levitico 24:7-11Levitico 24:7-11