Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 23

Levitico 23:36-43

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
36Sa loob ng pitong araw dapat kayong maghandog ng isang alay na ginawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh. Sa ikawalong araw dapat magkaroon ng isang banal na pagpupulong, at dapat kayong gumawa ng isang alay na ihahandog sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh. Ito ay isang mataimtin na pagpupulong, at hindi kayo gagawa kahit anong karaniwang trabaho.
37Ito ay ang itinalagang mga pista para kay Yahweh, na dapat ninyong ipahayag bilang banal na mga pagpupulong para maghandog ng alay na ginawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh, isang handog na susunugin at isang handog na pagkaing butil, mga alay at mga inuming handog, isa sa bawat araw nito.
38Mga pistang ito'y magiging dagdag sa mga Araw ng Pamamahinga para kay Yahweh at inyong mga regalo, lahat ninyong mga panata at lahat ninyong kusang loob na mga handog na inyong ibibigay kay Yahweh.
39Tungkol sa Pista ng mga Kanlungan, sa ikalabing-limang araw ng ikapitong buwan, kapag inipon ninyo ang mga prutas ng mga lupain, dapat ninyong panatilihin ang pista ni Yahweh sa loob ng pitong araw. Ang unang araw magiging isang mataimtim na pahinga, at ang ikawalong araw magiging isa ring mataimtim na pahinga.
40Sa unang araw dapat magdala kayo ng pinakamainam na prutas mula sa mga puno, mga sanga ng mga puno ng palma, at madahong mga sanga na mayabong sa mga puno, at mga puno mula sa batis, at magsasaya kayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa pitong araw.
41Sa pitong araw ng bawat taon, dapat ninyong ipagdiwang itong pista para kay Yahweh. Magiging permanenteng batas ito hanggang sa katapusan ng inyong mga salinlahi sa lahat ng mga lugar kung saan kayo nakatira. Dapat ninyong ipagdiwang itong pista sa ikapitong buwan.
42Dapat kayong manirahan sa maliliit na mga kanlungan sa loob ng pitong araw. Lahat ng likas na ipinanganak na mga Israelita dapat tumira sa maliliit na mga kanlungan sa loob ng pitong araw,
43para ang inyong mga kaapu-apuhan, angkan sa mga angkan, maaaring malaman kung papaano ko ginawa ang mga bayan ng Israel na manirahan sa ganoong mga kanlungan nang inilabas ko sila sa lupain ng Ehipto. Ako si Yahweh ang inyong Diyos,'”

Read Levitico 23Levitico 23
Compare Levitico 23:36-43Levitico 23:36-43