Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 22

Levitico 22:4-7

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
4Wala sa mga kaapu-apuhan ni Aaron na may nakakahawang sakit sa balat, o isang impeksiyong dumadaloy mula sa kaniyang katawan, ang maaaring kumain ng alinman sa mga alay na ginawa para kay Yahweh hanggang siya ay malinis. Sinuman ang hahawak sa anumang bagay na marumi sa pamamagitan ng paghawak sa patay, o sa pamamagitan ng paghawak sa isang lalaking may daloy ng semilya,
5o sinumang hahawak ng anumang hayop na gumagapang na nagpaparumi sa kaniya, o sinumang tao na nagpaparumi sa kanya, maging anumang uri ng karumihang ito—
6pagkatapos ang pari na hahawak sa anumang marumi ay magiging marumi hanggang gabi. Hindi siya dapat kumain ng anumang mga banal na bagay, maliban lang kung pinaliguan niya ang kanyang katawan sa tubig.
7Kapag lumubog na ang araw, magiging malinis siya. Maaari siyang kumain mula sa banal na mga bagay pagkatapos ng paglubog ng araw, dahil ang mga ito ay kaniyang pagkain.

Read Levitico 22Levitico 22
Compare Levitico 22:4-7Levitico 22:4-7