Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 19

Levitico 19:18-24

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
18Huwag maghiganti o magtanim ng sama ng loob laban sa sinuman sa inyong kapwa, nguni't sa halip mahalin ninyo ang inyong kapwa gaya ng inyong sarili. Ako si Yahweh.
19Dapat ninyong ingatan ang aking mga utos. Huwag subukang palahian ang inyong mga hayop ng iba't ibang uri ng mga hayop. Huwag ihalo ang dalawang magkaibang uri ng buto kapag nagtatanim sa inyong kabukiran. Huwag magsuot ng damit na gawa sa dalawang uri ng materyal na magkasama.
20Ang sinumang sumiping sa isang aliping babae na nakapangako ng ikasal sa isang lalaki, subalit hindi pa natubos o naibigay ang kanyang kalayaan, sila ay dapat maparusahan. Hindi dapat sila ipapatay sapagkat hindi siya malaya.
21Dapat dalhin ng lalaking iyon ang kanyang handog na pambayad ng kasalanan kay Yahweh sa pasukan ng tolda ng pagtitipon—isang lalaking tupa bilang isang alay na pambayad ng kasalanan.
22Pagkatapos gagawa ng pambayad ng kasalanan ang pari para sa kanya sa papamagitan ng lalaking tupa sa harapan ni Yahweh, para sa kasalanan na nagawa niya. Pagkatapos mapapatawad ang kasalanan na kanyang nagawa.
23Kapag pumunta kayo sa lupain at magtanim ng lahat ng uri ng mga puno para makain, kung gayon dapat ninyong ituring ang bunga na kanilang nakuha bilang pinagbabawal na kainin. Dapat ipagbawal ang bunga sa inyo ng tatlong taon. Hindi dapat itong kainin.
24Subalit sa ikaapat na taon lahat ng bunga ay magiging banal, na isang papuring handog kay Yahweh.

Read Levitico 19Levitico 19
Compare Levitico 19:18-24Levitico 19:18-24