Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 19

Levitico 19:1-16

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Kinausap ni Yahweh si Moises, sinabing,
2“Makipag-usap sa lahat ng kapulungan ng mga tao ng Israel at sabihin sa kanila, 'Kailangan ninyong maging banal, sapagkat ako ay banal, ako si Yahweh na inyong Diyos.
3Dapat gumalang ang bawat isa sa kanyang ina at kanyang ama, at dapat ninyong panatiliin ang araw ng aking pamamahinga. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
4Huwag ng bumaling sa mga walang kuwentang diyus-diyosan, ni gumawa ng diyus-diyosan na gawa sa metal para sa inyong sarili. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
5Kapag kayo ay nag-alay ng handog para sa pagtitipon kay Yahweh, dapat ninyong ihandog ito upang maaari kayong tanggapin.
6Dapat itong kainin sa mismong araw nang ito ay inihandog, o sa susunod na araw. Kung may matira hanggang sa ikatlong araw, dapat na itong sunugin.
7Marumi na ito kung kakainin sa ikatlong araw. Hindi na dapat ito maaring tanggapin,
8ngunit kung sinuman ang kumain nito ay dapat managot sa kanyang kasalanan sapagkat dinungisan niya ang inihandog kay Yahweh. Dapat na itiwalag ang taong iyon mula sa kanyang bayan.
9Kapag inani ninyo ang mga pananim sa inyong lupain, hindi ninyo dapat anihin ang lahat ng sulok ng inyong bukirin, ni ipunin ang lahat ng bunga ng inyong ani.
10Hindi ninyo dapat ipunin ang bawat ubas mula sa inyong ubasan, ni ipunin ang mga ubas na nahulog sa lupa sa inyong ubasan. Dapat ninyong iwan ang mga ito para sa mahihirap at para sa dayuhan. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
11Huwag magnakaw. Huwag magsinungaling. Huwag linlangin ang bawat isa.
12Huwag manumpa ng kasinungalingan gamit ang aking pangalan at huwag lapastanganin pangalan ng inyong Diyos. Ako si Yahweh.
13Huwag ninyong apihin ang inyong kapit-bahay o pagnakawan sila. Ang bayad ng isang inupahang tagapaglingkod ay hindi dapat manatili sa inyo ng buong gabi hanggang umaga.
14Huwag isumpa ang bingi o lagyan ng isang harang sa harapan ng bulag. Sa halip, dapat ninyong katakutan ang inyong Diyos. Ako si Yahweh.
15Huwag idulot na ang paghataol ay maging kasinungalingan. Hindi dapat kayo magpakita ng pagtatangi sa sinuman dahil siya ay mahirap, at hindi dapat kayo magpakita ng pagtatangi sa sinuman sapagkat siya ay mahalaga. Sa halip, maghusga ng matuwid sa inyong kapwa.
16Huwag maglibot sa pagkalat ng maling tsismis sa inyong mga bayan, nguni't protektahan ang buhay ng inyong kapwa. Ako si Yahweh.

Read Levitico 19Levitico 19
Compare Levitico 19:1-16Levitico 19:1-16