3Hindi ninyo dapat gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga tao sa Ehipto, kung saan dati kayong nanirahan. At hindi ninyo dapat gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga tao sa Canaan, sa lupain na pagdadalhan ko sa inyo. Huwag ninyong sundin ang kanilang mga kaugalian.
4Ang aking mga batas ang dapat ninyong gawin, at ang aking mga kautusan ang dapat ninyong sundin, para lumakad kayo dito, dahil Ako si Yahweh ang inyong Diyos.
5Kaya dapat ninyong sundin ang aking mga utos at aking mga batas. Kung susunod ang isang tao sa mga ito, mabubuhay siya dahil sa mga ito. Ako si Yahweh.
6Walang sinuman ang dapat na sumiping sa malapit na kamag-anak niya. Ako si Yahweh.