Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 10

Levitico 10:4-9

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
4Tinawag ni Moises sina Misael at Elzafan na mga anak na lalaki ni Uziel na tiyuhin ni Aaron at sinabi sa kanilang, “Halikayo rito at dalhin ang inyong mga kapatid palabas ng kampo mula sa tabernakulo.”
5Kaya lumapit sila at binuhat sila, na suot pa rin ang kanilang pang paring tunika, palabas ng kampo ayon sa iniutos ni Moises.
6Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron at kay Eleazar at kay Itamar na kaniyang mga anak na lalaki, “Huwag ninyong hayaan ang buhok sa inyong mga ulo na nakalugay, at huwag punitin ang inyong mga damit, para hindi kayo mamatay at para hindi mapoot si Yahweh sa buong kapulungan. Pero hayaan ninyo ang inyong mga kamag-anak, ang buong bahay ng Israel ang magluksa para sa mga sinunog ng apoy ni Yahweh.
7Hindi kayo maaaring lumabas mula sa pasukan ng tolda ng pagpupulong o kayo ay mamamatay, dahil ang pambasbas na langis ni Yahweh ay nasa inyo.” Kaya sumunod sila ayon sa mga iniutos ni Moises.
8Nangusap si Yahweh kay Aaron, sinabing,
9“Huwag uminom ng alak o matapang na inumin, ikaw, ni ang iyong mga anak na lalaki na natitirang kasama mo, para kapag pumasok ka sa tolda ng pagpupulong hindi kayo mamatay. Ito ay permanenteng batas sa buong salinlahi ng iyong mga mamamayan,

Read Levitico 10Levitico 10
Compare Levitico 10:4-9Levitico 10:4-9