Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 10

Levitico 10:14-18

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
14Ang dibdib na itinaas bilang handog at ang hita na idinulog kay Yahweh—ang mga ito ay dapat ninyong kainin sa isang malinis na lugar na katanggap-tanggap sa Diyos. Dapat kainin mo at ng iyong mga anak na lalaki at mga anak na babae ang mga bahaging iyon, dahil ibinigay ang mga iyon bilang iyong bahagi at bahagi ng iyong mga anak na lalaki mula sa mga alay ng handog sa pagtitipon-tipon ng bayan ng Israel.
15Ang hita na isang handog na inialay kay Yahweh at ang dibdib na bahagi na itinaas bilang isang handog—dapat nilang dalhin ang mga iyon kasama ng mga handog na taba na ginawa sa pamamagitan ng apoy, para itaas ang mga ito at idulog bilang isang handog kay Yahweh. Magiging sa iyo at sa iyong mga anak na lalaki na kasama mo ang mga ito bilang isang bahagi magpakailanman ayon sa iniutos ni Yahweh.”
16Pagkatapos tinanong ni Moises ang tungkol sa kambing na handog para sa kasalanan, at nalaman na ito ay nasunog na. Kaya nagalit siya kina Eleazar at Itamar, ang mga natitirang anak na lalaki ni Aaron; sinabi niya,
17“Bakit hindi ninyo kinain ang handog para sa kasalanan sa lugar ng tabernakulo, yamang ito ang pinakabanal, at ibinigay ito ni Yahweh para maalis ang kasalanan ng buong kapulungan, na maging kabayaran para sa kanilang kasalanan sa kaniyang harapan?
18Tingnan ninyo, ang dugo nito ay hindi dinala sa loob ng tabernakulo, kaya dapat talagang kinain ninyo ito sa lugar ng tabernakulo, ayon sa iniutos ko.”

Read Levitico 10Levitico 10
Compare Levitico 10:14-18Levitico 10:14-18