Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 1

JUAN 1:14-18

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
14Ngayon ang Salita ay naging laman at namuhay na kasama namin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatiang katulad ng nasa nag-iisang natatanging katauhan na naparito mula sa Ama, punong-puno ng biyaya at katotohanan.
15Pinatotohanan ni Juan ang tungkol sa kaniya at sumigaw na nagsasabi, “Siyang sinabi ko sa inyo, 'Ang darating kasunod ko ay mas higit sa akin, sapagkat siya ay nauna sa akin.'”
16Sapagkat mula sa kaniyang kapuspusan tayong lahat ay nakatanggap ng sunod-sunod na libreng kaloob.
17Sapagkat ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises. Biyaya at katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
18Kailanman, walang tao ang nakakita sa Diyos. Ang isa at nag-iisang katauhan, na mismo ay Diyos, na siyang nasa dibdib ng Ama, nagawa niya siyang maipakilala.

Read JUAN 1JUAN 1
Compare JUAN 1:14-18JUAN 1:14-18