Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Awit ni Solomon - Awit ni Solomon 7

Awit ni Solomon 7:2-5

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
2Ang pusod mo ay katulad ng isang bilugang mangkok; nawa ito ay hindi kailanman magkukulang ng pinaghalong alak. Ang puson mo ay tulad ng isang tambak ng trigo na napaligiran ng mga liryo.
3Ang dalawang dibdib mo ay tulad ng dalawang munting mga usa, magkakambal na gasel.
4Ang iyong leeg ay tulad ng isang tore ng garing; ang iyong mga mata ay tulad ng mga lawa sa Hesbon sa tarangkahan ng Bat Rabim. Ang iyong ilong ay tulad ng tore sa Lebanon na nakamasid patungo sa Damasco.
5Parang bundok ng Carmelo ang iyong ulo; ang buhok sa iyong ulo ay itim na lila. Ang hari ay nabihag sa pamamagitan ng mga tirintas nito.

Read Awit ni Solomon 7Awit ni Solomon 7
Compare Awit ni Solomon 7:2-5Awit ni Solomon 7:2-5