9Ang aking kalapati, aking dalisay, ay nag-iisa lamang; siya ang natatanging anak na babae ng kaniyang ina; siya ang nag-iisang paborito ng babae na nag-silang sa kaniya. Ang mga anak na babae ng mga kababayan ko ay nakita siya at tinawag siyang pinagpala; nakita rin siya ng mga reyna at ng mga babaeng kinakasama ng hari, at siya ay pinuri nila: Ano ang sinabi ng mga reyna at ng mga babaeng kinakasama ng hari
10“Sino ito na lumilitaw katulad ng bukang-liwayway, kasing ganda ng buwan, kasing liwanag ng araw, na kahanga-hanga tulad ng isang hukbo na may mga bandera nito?” Ang mangingibig ng babae ay nagsasalita sa kaniyang sarili.
11Bumaba ako sa mga kahuyan ng mga puno ng pili para tingnan ang murang usbong sa lambak, para tingnan kung sumibol ang mga puno ng ubas, at kung namulaklak ang mga bunga ng granada.
12Napakasaya ko na maramdamang nakasakay ako sa karwahe ng isang prinsipe. Ang mangingibig ng babae ay nagsasalita sa kaniyang sarili.
13Magbalik ka, bumalik ka, ikaw na babaeng walang kapintasan; magbalik ka, magbalik para ikaw ay aking mapagmasdan. Nagsasalita ang dalaga sa kaniyang mangingibig. Bakit ka nakatitig sa akin, babaeng walang kapintasan, na parang sumasayaw ako sa pagitan ng dalawang hanay ng mga mananayaw?