Text copied!
CopyCompare
Ang Dating Biblia (1905) - Ang Mangangaral - Ang Mangangaral 5

Ang Mangangaral 5:5-8

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
5Maigi nga ang ikaw ay huwag manata, kay sa ikaw ay manata at hindi tumupad.
6Huwag bayaan ang iyong bibig, na papagkasalanin ang iyong laman; at huwag ka mang magsabi sa harap ng anghel, na isang kamalian: bakit nga magagalit ang Dios sa iyong tinig, at sisirain ang gawa ng iyong mga kamay?
7Sapagka't sa karamihan ng mga panaginip ay may kawalangkabuluhan, at sa maraming mga salita: nguni't matakot ka sa Dios.
8Kung iyong nakikita ang kapighatian ng dukha, at ang karahasang pagaalis ng kahatulan at kaganapan sa isang lalawigan, huwag mong kamanghaan ang bagay: sapagka't ang lalong mataas kay sa mataas ay nagmamasid; at may lalong mataas kay sa kanila.

Read Ang Mangangaral 5Ang Mangangaral 5
Compare Ang Mangangaral 5:5-8Ang Mangangaral 5:5-8