Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 1 Mga Hari - 1 Mga Hari 7

1 Mga Hari 7:5-20

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
5Lahat ng mga pinto at mga poste ay ginawang mga parisukat na may biga, at ang bintana ay may katapat na bintana sa tatlong pangkat.
6Doon ay may isang bulwagan na limampung kubit ang haba at tatlumpung kubit ang lapad, na may isang portiko sa harap at mga poste at isang bubong.
7Itinayo ni Solomon ang bulwagan ng trono kung saan siya maghuhukom, ang bulwagan ng katarungan. Ang bawat palapag ay nababalutan ng sedar.
8Ang tahanan ni Solomon kung saan siya maninirahan, sa ibang patyo sa loob ng palasyo, ay katulad din ang disenyo. Siya rin ay nagtayo ng tahanang tulad nito para sa anak na babae ng Paraon, na kaniyang ginawang asawa.
9Ang mga gusaling ito ay pinalamutian ng mamahalin na batong natagpas, sinukat nang maagi at hinati ng lagari at pinakinis sa lahat ng panig. Ang mga batong ito ay ginamit mula sa pundasyon hanggang sa mga bato sa itaas at sa labas din ng malaking patyo.
10Ang pundasyon ay itinayo gamit ang napakalaki, mamahaling bato na walo at sampung kubit ang haba.
11Nasa itaas ang mamahaling mga batong natagpas nang wasto sa sukat, at mga bigang sedar.
12Ang malaking patyo na nasa paligid ng palasyo ay may tatlong hanay ng tinagpas na bato at isang hanay ng bigang sedar tulad sa loob ng templo ni Yahweh at ng portiko ng templo.
13Pinasundo ni Haring Solomon si Hiram at dinala siya mula sa Tiro.
14Si Hiram ay anak na lalaki ng isang balo ng tribo ng Nephtali; ang kaniyang ama ay lalaking taga-Tiro, isang mahusay na manggagawa ng tanso. Si Hiram ay puno ng karunungan at kaalaman at kahusayan sa malaking gawain gamit ang tanso. Pumunta siya kay Haring Solomon para gumawa ng lahat ng kagamitan na yari sa tanso para sa hari.
15Hinugis ni Hiram ang dalawang poste ng tanso, bawat isa ay labing walong kubit ang taas at labing dalawang kubit ang palibot.
16Siya ay gumawa ng dalawang kapitel ng makintab na tanso para ilagay sa taas ng poste. Ang taas ng bawat kapitel ay limang siko.
17May mga mahahaba't makitid na mga metal na nilmabat at mga tinirintas na mga tanikala para sa mga kapitel na ginawang mga palamuti sa taas ng mga haligi, pito sa bawat kapitel.
18Kaya si Hiram ay gumawa ng dalawang hanay ng mga granada sa paligid ng bawat poste para palamutian ang kanilang mga kapitel.
19Ang mga kapitel sa itaas ng poste ng portiko ay may palamuti ng mga liryo, apat na kubit ang taas.
20Kasama din ang kapitel sa dalawang haligi, malapit sa kanilang tuktok, ay nakapalibot ang dalawang daang nakahanay na granada.

Read 1 Mga Hari 71 Mga Hari 7
Compare 1 Mga Hari 7:5-201 Mga Hari 7:5-20