Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 1 Mga Hari - 1 Mga Hari 17

1 Mga Hari 17:13-22

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
13Sinabi ni Elias sa kaniya, “Huwag kang matakot. Pumunta ka at gawin ang sinabi mo pero magluto ka muna ng maliit na tinapay at dalhin mo sa akin. At pagkatapos magluto ka na ng para sa inyo ng anak mo.
14Dahil sinabi ni Yahweh, na Diyos ng Israel, “Hindi mauubusan ng laman ang banga ng harina, maging ang lalagyan ng mantika ay hindi hihinto sa pagdaloy, hanggang sa magpadala si Yahweh ng ulan sa buong lupain.”
15Pagkatapos, ginawa niya ang sinabi ni Elias, at siya, si Elias at ang bata ay kumain nang maraming araw.
16Hindi naubos ang harina sa banga maging ang mantika sa lalagyan ay hindi huminto sa pagdaloy, na siyang sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ni Elias.
17Pagkatapos ng mga pangyayaring ito, nagkasakit ang lalaking anak ng babae, ang babaeng may-ari ng bahay. Napakalubha ng kaniyang karamdaman na kaniyang ikinamatay.
18Kaya sinabi ng kaniyang ina, “Ano ba ang dinala mo laban sa akin, lingkod ng Diyos? Pumunta ka ba rito para ipaalala ang aking kasalanan at patayin ang aking anak?”
19Pagkatapos sinabi sa kaniya ni Elias, “Ibigay mo sa akin ang iyong anak.” Kinuha ni Elias ang kaniyang anak at dinala sa taas ng bahay kung saan siya namamalagi, at inilapag ang bata sa higaan.
20Tumawag siya kay Yahweh, “Yahweh aking Diyos, nagdala ka rin ba ng kapahamakan sa balo na aking tinutuluyan, at pinatay mo ang kaniyang anak?”
21At inunat ni Elias nang tatlong beses ang kaniyang sarili sa bata; tumawag siya kay Yahweh at sinabi, “Yahweh na aking Diyos, nagmamaka-awa ako sa iyo, ibalik mo ang buhay ng batang ito.”
22Pinakinggan ni Yahweh ang tinig ni Elias; ang hininga ng bata ay bumalik sa kanya, at siya ay nabuhay muli.

Read 1 Mga Hari 171 Mga Hari 17
Compare 1 Mga Hari 17:13-221 Mga Hari 17:13-22