Text copied!
Bibles in Tagalog

Santiago 2:3-6 in Tagalog

Help us?

Santiago 2:3-6 in Ang Dating Biblia (1905)

3 At inyong itangi ang may suot na damit na maganda, at inyong sabihin, Maupo ka rito sa dakong mabuti; at sa dukha ay inyong sabihin, Tumayo ka riyan, o maupo ka sa ibaba ng aking tungtungan;
4 Hindi baga kayo'y nagtatangi sa inyong sarili, at nagiging mga hukom na may masasamang pagiisip?
5 Dinggin ninyo, mga minamahal kong kapatid; hindi baga pinili ng Dios ang mga dukha sa sanglibutang ito upang maging mayayaman sa pananampalataya, at mga tagapagmana ng kahariang ipinangako niya sa mga nagsisiibig sa kaniya?
6 Nguni't inyong niwalang-puri ang dukha. Hindi baga kayo'y pinahihirapan ng mayayaman, at sila rin ang kumakaladkad sa inyo sa harapan ng mga hukuman?
Santiago 2 in Ang Dating Biblia (1905)

Santiago 2:3-6 in Banal na Bibliya

3 at nagbigay lamang kayo ng pansin sa taong may marangyang kasuotan, at sinabing, “Maupo po kayo rito sa magandang lugar,” ngunit sinabi mo sa taong mahirap, “Tumayo ka sa banda roon,” o kaya ay, “maupo ka sa aking paanan,”
4 hindi ba kayo gumagawa ng paghatol sa inyong sarili, at nagiging hukom ng may mga masasamang kaisipan?
5 Makinig kayo, mga minamahal kong kapatid, hindi ba pinili ng Diyos ang mga mahihirap sa mundong ito upang maging mayaman sa pananampalataya at manahin ang kaharian na ipinangako sa kanila na nagmamahal sa kaniya?
6 Ngunit hindi ninyo binigyan ng karangalan ang mahihirap! Hindi ba ang mayayaman, sila ay ang ang nang-aapi sa inyo, at hindi ba sila ang nagkakaladkad sa inyo sa mga hukuman?
Santiago 2 in Banal na Bibliya