Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Taga-Roma 16:4-7 in Tagalog

Help us?

Mga Taga-Roma 16:4-7 in Ang Dating Biblia (1905)

4 Na ipinain ang kanilang mga leeg dahil sa aking buhay; na sa kanila'y hindi lamang ako ang nagpapasalamat, kundi naman ang lahat ng mga iglesia ng mga Gentil:
5 At batiin ninyo ang iglesia na nasa kanilang bahay. Batiin ninyo si Epeneto na minamahal ko, na siyang pangunahing bunga ng Asia kay Cristo.
6 Batiin ninyo si Maria, na lubhang nagpagal sa inyo.
7 Batiin ninyo si Andronico at si Junias, na aking mga kamaganak, at mga kasama ko sa pagkabilanggo, na siyang mga bantog sa mga apostol, na sila nama'y nangauna sa akin kay Cristo.
Mga Taga-Roma 16 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Taga-Roma 16:4-7 in Banal na Bibliya

4 na inilagay sa panganib ang kanilang mga buhay para sa aking buhay. Nagpapasalamat ako sa kanila, at hindi lamang ako, kundi pati na rin ang lahat ng mga iglesiya ng mga Gentil.
5 Batiin ninyo ang iglesiya na nasa kanilang bahay. Batiin ninyo si Epeneto na aking minamahal, na siyang kauna-unahang bunga ng Asia kay Cristo.
6 Batiin ninyo si Maria na naglingkod ng lubos para sa inyo.
7 Batiin ninyo sina Andronico at Junia, na aking mga kamag-anak, at kasamahan kong mga bilanggo. Kilala sila sa mga apostol, na nauna pang nakakilala kay Cristo kaysa sa akin.
Mga Taga-Roma 16 in Banal na Bibliya