Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Taga-Roma 12:12-17 in Tagalog

Help us?

Mga Taga-Roma 12:12-17 in Ang Dating Biblia (1905)

12 Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; magmatiyagain sa pananalangin;
13 Mapagdamay sa mga kailangan ng mga banal; maging mapagpatuloy.
14 Pagpalain ninyo ang mga sa inyo'y nagsisiusig; pagpalain ninyo, at huwag ninyong sumpain.
15 Makigalak kayo sa nangagagalak; makiiyak kayo sa nagsisiiyak.
16 Mangagkaisa kayo ng pagiisip. Huwag ninyong ilagak ang inyong pagiisip sa mga bagay na kapalaluan, kundi makiayon kayo sa mga bagay na may kapakumbabaan. Huwag kayong mga pantas sa inyong sariling mga haka.
17 Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama. Isipin ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga tao.
Mga Taga-Roma 12 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Taga-Roma 12:12-17 in Banal na Bibliya

12 Magalak sa pag-asang mayroon kayo tungkol sa hinaharap. Maging matiisin sa inyong mga kabalisahan. Magpatuloy sa pananalangin.
13 Tumulong sa pangangailangan ng mga mananampalataya. Humanap ng maraming paraan upang ipakita ang magiliw na pagtanggap sa iba.
14 Pagpalain ninyo ang mga umaapi sa inyo; pagpalain at huwag isumpa.
15 Makipaggalak kayo sa mga nagagalak; makipagtangis kayo sa mga tumatangis.
16 Magkaisa kayo ng pag-iisip. Huwag mag-isip sa mga paraang mapagmataas, ngunit tanggapin ang mga mabababang tao. Huwag maging marunong sa inyong mga sariling isipan.
17 Huwag gantihan ang sinuman ng masama sa masama. Gumawa ng mga mabubuting bagay sa paningin ng lahat ng tao.
Mga Taga-Roma 12 in Banal na Bibliya