Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 9:9-12 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 9:9-12 in Ang Dating Biblia (1905)

9 Turuan mo ang pantas, at siya'y magiging lalong pantas pa: iyong turuan ang matuwid, at siya'y lalago sa pagkatuto.
10 Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: at ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan.
11 Sapagka't sa pamamagitan ko ay dadami ang iyong mga kaarawan, at ang mga taon ng iyong buhay ay magsisidami.
12 Kung ikaw ay pantas, ikaw ay pantas sa ganang iyong sarili: at kung ikaw ay manglilibak, ikaw na magisa ang magpapasan.
Mga Kawikaan 9 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 9:9-12 in Banal na Bibliya

9 Magbigay ng gabay sa matalinong tao, at siya ay magiging mas matalino; turuan ang matuwid na tao, at dadagdag ang kaniyang pagkatuto.
10 Ang takot kay Yahweh ang simula ng karunungan, at ang kaalaman sa Isang Banal ay kaunawaan.
11 Dahil sa pamamagitan ko ang mga araw mo ay dadami, at dadagdag ang taon ng buhay mo.
12 Kung matalino ka, matalino ka para sa sarili mo, pero kung mangungutya ka, dadalhin mo ito nang mag-isa.”
Mga Kawikaan 9 in Banal na Bibliya