Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 9:3-6 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 9:3-6 in Ang Dating Biblia (1905)

3 Kaniya namang sinugo ang kaniyang mga alilang babae; siya'y sumisigaw sa mga pinakapantas na dako sa bayan:
4 Kung sinoma'y musmos, pumasok dito: tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya:
5 Kayo'y magsiparito, magsikain kayo ng aking tinapay, at magsiinom kayo ng alak na aking hinaluan.
6 Iwan ninyo, ninyong mga musmos at kayo'y mabuhay; at kayo'y magsilakad sa daan ng kaunawaan.
Mga Kawikaan 9 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 9:3-6 in Banal na Bibliya

3 Nagpadala siya ng mga paanyaya kasama ang mga lingkod niyang babae at tumatawag siya mula sa pinakamataas na dako ng lungsod:
4 “Hayaan ang mga hindi naturuan na lumapit dito!” sinasabi niya roon sa mga walang alam.
5 “Lumapit kayo, kainin ninyo ang aking pagkain, at inumin ang alak na aking hinalo.
6 Iwanan na ninyo ang mga kaparaanan ng kamangmangan upang kayo ay mabuhay; lumakad sa daan ng pang-unawa.
Mga Kawikaan 9 in Banal na Bibliya