Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 9:14-18 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 9:14-18 in Ang Dating Biblia (1905)

14 At siya'y nauupo sa pintuan ng kaniyang bahay, sa isang upuan sa mga mataas na dako sa bayan,
15 Upang tawagin ang nangagdadaan, na nagsisiyaong matuwid ng kanilang mga lakad:
16 Sinomang musmos ay pumasok dito: at tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya:
17 Ang mga nakaw na tubig ay matamis, at ang tinapay na kinakain sa lihim ay masarap.
18 Nguni't hindi niya nalalaman na ang patay ay nandoon; na ang mga panauhin niya ay nangasa mga kalaliman ng Sheol.
Mga Kawikaan 9 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 9:14-18 in Banal na Bibliya

14 Nauupo siya sa pinto ng bahay niya, sa upuan ng pinakamataas na lugar ng bayan.
15 Tinatawag niya ang mga taong dumadaan, ang mga taong naglalakad ng tuwid sa kanilang daan.
16 “Hayaan ang mga hindi naturuan na lumapit dito” sinasabi niya doon sa mga walang alam.
17 “Ang ninakaw na tubig ay matamis, at ang tinapay na kinain ng palihim ay kaaya-aya.”
18 Pero hindi niya alam na nandoon ang mga patay, na ang mga panauhin niya ay nasa kailaliman ng sheol.
Mga Kawikaan 9 in Banal na Bibliya