Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 8:8-11 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 8:8-11 in Ang Dating Biblia (1905)

8 Lahat ng mga salita ng aking bibig ay sa katuwiran; walang bagay na liko o suwail sa kanila.
9 Pawang malilinaw sa kaniya na nakakaunawa, at matuwid sa kanila na nangakakasumpong ng kaalaman.
10 Tanggapin mo ang aking turo at huwag pilak; at ang kaalaman na higit kay sa dalisay na ginto.
11 Sapagka't ang karunungan ay maigi kay sa mga rubi; at lahat ng mga bagay na mananasa ay hindi maitutulad sa kaniya.
Mga Kawikaan 8 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 8:8-11 in Banal na Bibliya

8 Lahat ng mga salita sa aking bibig ay makatarungan; walang baluktot at nakaliligaw sa kanila.
9 Ang lahat ng aking mga salita ay matuwid para sa nakakaunawa; ang mga salita ko ay matuwid sa mga nakatatagpo ng kaalaman.
10 Piliin ninyo ang aking katuruan kaysa sa pilak at kaalaman kaysa purong ginto.
11 Dahil ako, ang Karunungan, ay mas mabuti kaysa sa mga hiyas; wala sa inyong ninanais ang maaaring maihalintulad sa akin.
Mga Kawikaan 8 in Banal na Bibliya