Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 5:10-13 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 5:10-13 in Ang Dating Biblia (1905)

10 Baka ang mga di kilalang babae ay mapuno ng iyong kalakasan; at ang iyong mga pinagpagalan ay mapasa bahay ng kaapid;
11 At ikaw ay manangis sa iyong huling wakas, pagka ang iyong laman at ang iyong katawan ay natunaw,
12 At iyong sabihin, bakit ko kinayamutan ang turo, at hinamak ng aking puso ang saway:
13 Ni hindi ko man sinunod ang tinig ng aking mga tagapagturo, O ikiling ko man ang aking pakinig sa kanila na mga nagturo sa akin!
Mga Kawikaan 5 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 5:10-13 in Banal na Bibliya

10 ang mga taong hindi kilala ay hindi magdiriwang sa inyong kayamanan; ang inyong pinaghirapan ay hindi mapupunta sa bahay ng mga taong hindi kilala.
11 Sa katapusan ng inyong buhay kayo ay dadaing kapag ang inyong laman at inyong katawan ay nabulok.
12 Sasabihin ninyo, “Kinapopootan ko ang disiplina at hinamak ng aking puso ang pagtatama!
13 Hindi ako sumunod sa aking mga guro o nakinig sa aking mga tagapagturo.
Mga Kawikaan 5 in Banal na Bibliya