Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 4:9-12 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 4:9-12 in Ang Dating Biblia (1905)

9 Siya'y magbibigay sa iyong ulo ng pugong na biyaya: isang putong ng kagandahan ay kaniyang ibibigay sa iyo.
10 Dinggin mo, Oh anak ko, at iyong tanggapin ang aking mga sinasabi; at ang mga taon ng iyong buhay ay magiging marami.
11 Aking itinuro ka sa daan ng karunungan; aking pinatnubayan ka sa landas ng katuwiran.
12 Pagka ikaw ay yumayaon hindi magigipit ang iyong mga hakbang; at kung ikaw ay tumatakbo, hindi ka matitisod.
Mga Kawikaan 4 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 4:9-12 in Banal na Bibliya

9 Ito ay maglalagay ng isang korona ng karangalan sa iyong ulo; bibigyan ka nito ng isang magandang korona.”
10 Makinig, aking anak, at pansinin ang aking mga salita, at ikaw ay magkakaroon ng maraming mga taon sa iyong buhay.
11 Papatnubayan kita sa daan ng karunungan; pangungunahan kita sa matuwid na mga landas.
12 Kapag ikaw ay lumalakad, walang hahadlang sa iyong daanan at kapag ikaw ay tatakbo, hindi ka matitisod.
Mga Kawikaan 4 in Banal na Bibliya