Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 3:7-11 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 3:7-11 in Ang Dating Biblia (1905)

7 Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; matakot ka sa Panginoon, at humiwalay ka sa kasamaan:
8 Magiging kagalingan sa iyong pusod, at utak sa iyong mga buto.
9 Parangalin mo ang Panginoon ng iyong tinatangkilik, at ng mga unang bunga ng lahat mong ani:
10 Sa gayo'y mapupuno ang iyong mga kamalig ng sagana, at ang iyong mga alilisan ay aapawan ng bagong alak.
11 Anak ko, huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon; ni mayamot man sa kaniyang saway:
Mga Kawikaan 3 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 3:7-11 in Banal na Bibliya

7 Huwag maging marunong sa iyong sariling mga mata; matakot kay Yahweh at talikuran ang kasamaan.
8 Ito ay kagalingan sa iyong laman at inuming makapagpanibagong sigla para sa iyong katawan.
9 Parangalan si Yahweh ng iyong kayamanan at ng mga unang bunga ng lahat ng iyong ani,
10 at ang iyong mga kamalig ay mapupuno at ang iyong mga bariles ay aapaw, puno ng bagong alak.
11 Aking anak, huwag hamakin ang disiplina ni Yahweh at huwag mapoot sa kaniyang pagsaway,
Mga Kawikaan 3 in Banal na Bibliya