Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 30:28-31 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 30:28-31 in Ang Dating Biblia (1905)

28 Ang butiki ay tumatangan ng kaniyang mga kamay, gayon ma'y nasa mga bahay ng mga hari siya.
29 May tatlong bagay na maganda sa kanilang lakad, Oo, apat na mainam sa lakad:
30 Ang leon na pinaka matapang sa mga hayop, at hindi humihiwalay ng dahil sa kanino man;
31 Ang asong matulin; ang kambing na lalake rin naman: at ang hari na hindi malalabanan.
Mga Kawikaan 30 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 30:28-31 in Banal na Bibliya

28 Para sa butiki, maaari mo itong hawakan ng iyong dalawang kamay, pero sila ay natatagpuan sa mga palasyo ng mga hari.
29 Mayroong tatlong bagay na marangal sa kanilang mahabang hakbang, apat na marangal kung paano lumakad:
30 ang isang leon, ang pinakamalakas sa mga mababangis na hayop— hindi ito tumatalikod mula sa kahit ano; ang isang tandang mayabang sa paglalakad;
31 isang kambing; at isang hari kung saan ang mga sundalo ay nasa tabi niya.
Mga Kawikaan 30 in Banal na Bibliya