Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 30:22-25 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 30:22-25 in Ang Dating Biblia (1905)

22 Sa isang alipin, pagka naghahari; at sa isang mangmang, pagka nabubusog ng pagkain;
23 Sa isang babaing nakayayamot, pagka nagaasawa; at sa isang aliping babae, na nagmamana sa kaniyang panginoong babae.
24 May apat na bagay na maliit sa lupa, nguni't lubhang mga pantas:
25 Ang mga langgam ay bayang hindi matibay, gayon ma'y nagiimbak ng kanilang pagkain sa taginit;
Mga Kawikaan 30 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 30:22-25 in Banal na Bibliya

22 ang isang alipin kapag siya ay naging hari; ang isang hangal kapag siya ay puno ng pagkain;
23 kapag ang isang kinamumuhian na babae ay nagpakasal; at kapag ang isang babaeng utusan ay pumalit sa pwesto ng kaniyang babaeng amo.
24 May apat na bagay sa lupa na malilit, pero napakatatalino:
25 ang mga langgam ay mga nilalang na hindi malalakas, pero hinahanda nila ang kanilang pagkain sa tag-araw;
Mga Kawikaan 30 in Banal na Bibliya