Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 2:19-22 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 2:19-22 in Ang Dating Biblia (1905)

19 Walang naparoroon sa kaniya na bumabalik uli, ni kanila mang tinatamo ang mga landas ng buhay:
20 Upang ikaw ay makalakad ng lakad ng mabubuting tao, at maingatan ang mga landas ng matuwid.
21 Sapagka't ang matuwid ay tatahan sa lupain, at ang sakdal ay mamamalagi roon.
22 Nguni't ang masama ay mahihiwalay sa lupain, at silang nagsisigawang may karayaan ay mangabubunot.
Mga Kawikaan 2 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 2:19-22 in Banal na Bibliya

19 Lahat nang pumupunta sa kaniya ay hindi makakabalik muli at hindi na matatagpuan ang landas ng buhay.
20 Kaya ikaw ay lalakad sa daan ng mga mabubuting tao at sundin ang mga landas ng mga matutuwid.
21 Magtatayo ng tahanan sa lupain ang mga gumagawa ng mabuti, at mananatili doon ang namumuhay nang may katapatan.
22 Ngunit puputulin sa lupain ang mga masasama, at ang hindi tapat ay aalisin mula rito.
Mga Kawikaan 2 in Banal na Bibliya