Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 2:16-21 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 2:16-21 in Ang Dating Biblia (1905)

16 Upang iligtas ka sa masamang babae, sa makatuwid baga'y sa di kilala na nanghahalina ng kaniyang mga salita;
17 Na nagpapabaya sa kaibigan ng kaniyang kabataan, at lumilimot ng tipan ng kaniyang Dios:
18 Sapagka't ang kaniyang bahay ay kumikiling sa kamatayan, at ang kaniyang mga landas na sa patay:
19 Walang naparoroon sa kaniya na bumabalik uli, ni kanila mang tinatamo ang mga landas ng buhay:
20 Upang ikaw ay makalakad ng lakad ng mabubuting tao, at maingatan ang mga landas ng matuwid.
21 Sapagka't ang matuwid ay tatahan sa lupain, at ang sakdal ay mamamalagi roon.
Mga Kawikaan 2 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 2:16-21 in Banal na Bibliya

16 Ang karunungan at mabuting pagpapasya ang magliligtas sa iyo mula sa imoral na babae, mula sa babaeng naghahanap ng pakikipagsapalaran at sa kanyang mga matatamis na pananalita.
17 Siya ay tumalikod sa kasamahan ng kaniyang kabataan at nakalimutan ang tipan ng kaniyang Diyos.
18 Dahil ang kaniyang tahanan ay sumasamba sa kamatayan at ang kaniyang mga landas ang maghahatid sa iyo doon sa mga nasa libingan.
19 Lahat nang pumupunta sa kaniya ay hindi makakabalik muli at hindi na matatagpuan ang landas ng buhay.
20 Kaya ikaw ay lalakad sa daan ng mga mabubuting tao at sundin ang mga landas ng mga matutuwid.
21 Magtatayo ng tahanan sa lupain ang mga gumagawa ng mabuti, at mananatili doon ang namumuhay nang may katapatan.
Mga Kawikaan 2 in Banal na Bibliya