Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 29:21-24 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 29:21-24 in Ang Dating Biblia (1905)

21 Siyang maingat na nagpalaki ng kaniyang lingkod mula sa pagkabata, magiging anak niya siya sa kawakasan.
22 Ang taong magagalitin ay humihila ng kaalitan, at ang mainiting tao ay nananagana sa pagsalangsang.
23 Ang kapalaluan ng tao ay magbababa sa kaniya: nguni't ang may mapagpakumbabang diwa ay magtatamo ng karangalan.
24 Ang nakikisama sa isang magnanakaw ay nagtatanim sa kaniyang sariling kaluluwa: siya'y nakakarinig ng sumpa at hindi umiimik.
Mga Kawikaan 29 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 29:21-24 in Banal na Bibliya

21 Ang siyang nagbibigay ng layaw sa kaniyang alipin mula sa kaniyang pagkabata, sa huli nito ay magkakaroon ng kaguluhan.
22 Ang isang taong galit ay pumupukaw ng away at ang isang pinuno ng pagkapoot ay gumagawa ng maraming kasalanan.
23 Ang pagmamataas ng isang tao ay ang magdadala sa kaniya pababa, pero ang siyang may mapagpakumbabang kalooban ay bibigyan nang karangalan.
24 Ang siyang nakikibahagi sa isang magnanakaw ay nasusuklam sa kaniyang sariling buhay; naririnig niya ang sumpa at walang anumang sinasabi.
Mga Kawikaan 29 in Banal na Bibliya