Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 29:18-24 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 29:18-24 in Ang Dating Biblia (1905)

18 Kung saan walang pangitain, ang bayan ay sumasama: nguni't siyang nagiingat ng kautusan ay maligaya siya.
19 Ang alipin ay hindi masasaway ng mga salita: sapagka't bagaman nalalaman niya ay hindi siya makikinig.
20 Nakikita mo ba ang tao, na nagmamadali sa kaniyang mga salita? May pagasa pa sa mangmang kay sa kaniya.
21 Siyang maingat na nagpalaki ng kaniyang lingkod mula sa pagkabata, magiging anak niya siya sa kawakasan.
22 Ang taong magagalitin ay humihila ng kaalitan, at ang mainiting tao ay nananagana sa pagsalangsang.
23 Ang kapalaluan ng tao ay magbababa sa kaniya: nguni't ang may mapagpakumbabang diwa ay magtatamo ng karangalan.
24 Ang nakikisama sa isang magnanakaw ay nagtatanim sa kaniyang sariling kaluluwa: siya'y nakakarinig ng sumpa at hindi umiimik.
Mga Kawikaan 29 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 29:18-24 in Banal na Bibliya

18 Kapag walang pahayag na pangitain, ang mga tao ay mamumuhay nang marahas, ngunit pinagpala ang isang pinapanatili ang batas.
19 Ang isang alipin ay hindi maitatama ng mga salita, dahil kahit na naintindihan niya, walang magiging tugon.
20 Tingnan ang isang tao na padalus-dalos sa kaniyang mga salita? Mayroong higit pang pag-asa para sa isang taong mangmang kaysa sa kaniya.
21 Ang siyang nagbibigay ng layaw sa kaniyang alipin mula sa kaniyang pagkabata, sa huli nito ay magkakaroon ng kaguluhan.
22 Ang isang taong galit ay pumupukaw ng away at ang isang pinuno ng pagkapoot ay gumagawa ng maraming kasalanan.
23 Ang pagmamataas ng isang tao ay ang magdadala sa kaniya pababa, pero ang siyang may mapagpakumbabang kalooban ay bibigyan nang karangalan.
24 Ang siyang nakikibahagi sa isang magnanakaw ay nasusuklam sa kaniyang sariling buhay; naririnig niya ang sumpa at walang anumang sinasabi.
Mga Kawikaan 29 in Banal na Bibliya