Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 29:1-3 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 29:1-3 in Ang Dating Biblia (1905)

1 Ang madalas na masaway na nagpapatigas ng kaniyang leeg, biglang mababali, at walang kagamutan.
2 Pagka ang matuwid ay dumadami, ang bayan ay nagagalak: nguni't pagka ang masama ay nagpupuno, ang bayan ay nagbubuntong-hininga.
3 Ang umiibig ng karunungan ay nagpapagalak sa kaniyang ama: nguni't ang nakikisama sa mga patutot ay sumisira ng kaniyang tinatangkilik.
Mga Kawikaan 29 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 29:1-3 in Banal na Bibliya

1 Ang isang tao na nakatanggap ng maraming pagsasaway pero pinatitigas ang kaniyang leeg ay mababali sa isang sandali na hindi na mapapagaling.
2 Kapag silang mga gumagawa ng tama ay umaangat, ang mga tao ay nagdidiwang, pero kapag ang isang masamang tao ang namuno, ang mga tao ay maghihinagpis.
3 Sinuman ang nagmamamahal sa karunungan ay nagagawa ang kaniyang ama na magdiwang, ngunit ang isang nananatiling kasama ang mga masasamang tao ay sinisira ang kaniyang kayamanan.
Mga Kawikaan 29 in Banal na Bibliya