Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 28:9-11 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 28:9-11 in Ang Dating Biblia (1905)

9 Siyang naglalayo ng kaniyang pakinig sa pakikinig ng kautusan, maging ang kaniyang dalangin ay karumaldumal.
10 Sinomang nagliligaw sa matuwid sa masamang daan, siya'y mahuhulog sa kaniyang sariling lungaw: nguni't ang sakdal ay magmamana ng mabuti.
11 Ang mayaman ay pantas sa ganang kaniyang sarili; nguni't ang dukha na naguunawa ay sumisiyasat.
Mga Kawikaan 28 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 28:9-11 in Banal na Bibliya

9 Kung ang isa na hindi ibinaling ang kaniyang tainga sa pakikinig ng batas, kahit na ang kaniyang panalangin ay kasuklam-suklam.
10 Ang sinumang maglihis sa matuwid sa isang masamang paraan ay babagsak sa kaniyang sariling hukay, ngunit ang walang sala ay magkakaroon ng mabuting pamana.
11 Ang mayaman ay maaaring matalino sa kaniyang sariling mga mata, ngunit ang dukha na may pang-unawa ay matutuklasan siya.
Mga Kawikaan 28 in Banal na Bibliya