Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 28:3-26 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 28:3-26 in Ang Dating Biblia (1905)

3 Ang mapagkailangan na pumipighati sa dukha ay parang bugso ng ulan na hindi nagiiwan ng pagkain.
4 Silang nangagpapabaya sa kautusan ay nagsisipuri sa masama: nguni't ang nangagiingat ng kautusan ay nangakikipagkaalit sa kanila.
5 Ang masasamang tao ay hindi nangakakaunawa ng kahatulan: nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay nangakakaunawa sa lahat ng mga bagay.
6 Maigi ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat, kay sa suwail sa kaniyang mga lakad, bagaman siya'y mayaman.
7 Sinomang nagiingat ng kautusan ay pantas na anak: nguni't siyang kasama ng mga matakaw ay nagbibigay kahihiyan sa kaniyang ama.
8 Ang nagpapalago ng kaniyang yaman sa tubo at pakinabang, ay pumipisan sa ganang may awa sa dukha.
9 Siyang naglalayo ng kaniyang pakinig sa pakikinig ng kautusan, maging ang kaniyang dalangin ay karumaldumal.
10 Sinomang nagliligaw sa matuwid sa masamang daan, siya'y mahuhulog sa kaniyang sariling lungaw: nguni't ang sakdal ay magmamana ng mabuti.
11 Ang mayaman ay pantas sa ganang kaniyang sarili; nguni't ang dukha na naguunawa ay sumisiyasat.
12 Pagka ang matuwid ay nagtatagumpay, may dakilang kaluwalhatian: nguni't pagka ang masama ay bumabangon, nagsisipagtago ang mga tao.
13 Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa: nguni't ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan.
14 Masaya ang tao na natatakot na lagi: nguni't siyang nagmamatigas ng kaniyang kalooban ay mahuhulog sa kahirapan.
15 Kung paano ang umuungal na leon at ang gutom na oso, gayon ang masamang pinuno sa maralitang bayan.
16 Ang pangulo na kulang sa paguunawa ay lubhang mamimighati rin: nguni't siyang nagtatanim sa kasakiman ay dadami ang kaniyang mga kaarawan.
17 Ang tao na nagpapasan ng dugo ng sinomang tao, tatakas sa lungaw; huwag siyang pigilin ng sinoman.
18 Ang lumalakad ng matuwid ay maliligtas: nguni't siyang masama sa kaniyang mga lakad ay mabubuwal na bigla.
19 Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay: nguni't siyang sumusunod sa mga walang kabuluhang tao ay madudukhang mainam.
20 Ang tapat na tao ay mananagana sa pagpapala: nguni't siyang nagmamadali sa pagyaman ay walang pagsalang parurusahan.
21 Magkaroon ng pagtatangi sa mga pagkatao ay hindi mabuti: ni hindi man sasalangsang ang tao dahil sa isang putol na tinapay.
22 Siyang may masamang mata ay nagmamadali sa pagyaman, at hindi nakakaalam, na kasalatan ay darating sa kaniya.
23 Siyang sumasaway sa isang tao ay makakasumpong sa ibang araw ng higit na lingap kay sa doon sa kunwa'y pumupuri ng dila.
24 Ang nagnanakaw sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, at nagsasabi, hindi ito pagsalangsang; Yao'y kasama rin ng maninira.
25 Siyang may sakim na diwa ay humihila ng kaalitan: nguni't siyang naglalagak ng kaniyang tiwala sa Panginoon ay tataba.
26 Siyang tumitiwala sa kaniyang sariling puso ay mangmang: nguni't ang lumakad na may kapantasan, ay maliligtas.
Mga Kawikaan 28 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 28:3-26 in Banal na Bibliya

3 Ang taong dukha na nagpapahirap sa kapwa niya dukha ay tulad ng isang humahampas sa ulan na nag-iiwan ng walang pagkain.
4 Sila na mga tumalikod sa batas ay pinupuri ang masamang tao, ngunit silang nagpapanatili ng batas ay lumalaban sa kanila.
5 Ang mga masasamang tao ay hindi naiintindihan ang katarungan, ngunit sila na naghahanap kay Yahweh ay naiintindihan ang lahat ng bagay.
6 Mas mainam sa isang dukha na lumakad sa kaniyang katapatan, kaysa sa isang mayaman na baluktot sa kaniyang mga paraan.
7 Ang siyang nagpapanatili ng batas ay isang bata na may pang-unawa, ngunit ang isa na kasama ang mga matatakaw ay hinihiya ang kaniyang ama.
8 Siya na nagpapayaman sa pamamagitan nang labis na pagsingil ng tubo ay nag-iipon ng kaniyang yaman para sa iba na maaawa sa mga dukha.
9 Kung ang isa na hindi ibinaling ang kaniyang tainga sa pakikinig ng batas, kahit na ang kaniyang panalangin ay kasuklam-suklam.
10 Ang sinumang maglihis sa matuwid sa isang masamang paraan ay babagsak sa kaniyang sariling hukay, ngunit ang walang sala ay magkakaroon ng mabuting pamana.
11 Ang mayaman ay maaaring matalino sa kaniyang sariling mga mata, ngunit ang dukha na may pang-unawa ay matutuklasan siya.
12 Kung may katagumpayan sa mga gumawa ng kung ano ang tama, mayroong dakilang kaluwalhatian, ngunit kung ang masama ay bumangon, tinatago ng mga tao ang kanilang sarili.
13 Ang isa na nagtatago ng kaniyang mga kasalanan ay hindi yayaman, ngunit ang nagpapahayag at nagpapabaya sa kanila ay pakikitaan ng habag.
14 Masaya ang isa na laging namumuhay na may paggalang, ngunit ang sinumang nagmamatigas ng kaniyang puso ay babagsak sa kaguluhan.
15 Katulad ng isang umaatungal na leon o isang lumulusob na oso ang isang masamang pinuno sa lahat ng mga dukha.
16 Ang pinuno na nagkukukulang ng pang-unawa ay isang mabagsik na nagpapahirap, pero ang isa na namumuhi sa di matapat ay mapapahaba ang kaniyang mga araw.
17 Kung ang isang tao ay maysala dahil nagdanak siya ng dugo sa isang tao, siya ay magiging isang pugante hanggang sa kamatayan, at wala ni isa ang tutulong sa kaniya.
18 Ang sinumang maglalakad ng may katapatan ay pinapanatiling ligtas, pero ang isa na ang paraan ay baluktot ay biglang babagsak.
19 Ang isa na siyang nagtatrabaho sa kaniyang lupa ay magkakaroon ng maraming pagkain, pero ang sinumang sumusunod sa walang kabuluhang gawain ay magkakaroon ng maraming kahirapan.
20 Ang isang tapat na tao ay magkakaroon ng malaking mga biyaya, ngunit ang nagmamadaling yumaman ay tiyak na hindi makaka-iwas sa kaparusahan.
21 Hindi mabuti magpakita nang may pinapanigan, ngunit para sa isang pirasong tinapay ang isang tao ay maaaring gumawa ng masama.
22 Ang isang maramot na tao ay nagmamadaling yumaman, pero hindi niya alam na ang kahirapan ay darating sa kaniya.
23 Sinumang nagsasaway sa isang tao ay makakahanap nang higit na pabor mula sa kaniya kaysa sa mga pumupuri sa kaniya gamit ang kaniyang dila.
24 Sinumang magnanakaw sa kaniyang ama at kaniyang ina at sasabihing, “hindi iyon kasalanan,” kasama siya ng mga maninira.
25 Ang taong sakim ay lumilikha nang away, ngunit ang isa na nagtitiwala kay Yahweh ay magtatagumpay.
26 Ang isa na nagtitiwala sa kaniyang sariling puso ay isang hangal, pero ang isang lumalakad sa karunungan ay lalayo mula sa kapahamakan.
Mga Kawikaan 28 in Banal na Bibliya