Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 28:18-20 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 28:18-20 in Ang Dating Biblia (1905)

18 Ang lumalakad ng matuwid ay maliligtas: nguni't siyang masama sa kaniyang mga lakad ay mabubuwal na bigla.
19 Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay: nguni't siyang sumusunod sa mga walang kabuluhang tao ay madudukhang mainam.
20 Ang tapat na tao ay mananagana sa pagpapala: nguni't siyang nagmamadali sa pagyaman ay walang pagsalang parurusahan.
Mga Kawikaan 28 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 28:18-20 in Banal na Bibliya

18 Ang sinumang maglalakad ng may katapatan ay pinapanatiling ligtas, pero ang isa na ang paraan ay baluktot ay biglang babagsak.
19 Ang isa na siyang nagtatrabaho sa kaniyang lupa ay magkakaroon ng maraming pagkain, pero ang sinumang sumusunod sa walang kabuluhang gawain ay magkakaroon ng maraming kahirapan.
20 Ang isang tapat na tao ay magkakaroon ng malaking mga biyaya, ngunit ang nagmamadaling yumaman ay tiyak na hindi makaka-iwas sa kaparusahan.
Mga Kawikaan 28 in Banal na Bibliya