Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 27:24-27 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 27:24-27 in Ang Dating Biblia (1905)

24 Sapagka't ang mga kayamanan ay hindi magpakailan man: at namamalagi ba ang putong sa lahat ng sali't saling lahi?
25 Ang tuyong damo ay pinupulot, at ang sariwang damo ay lumilitaw, at ang mga gugulayin sa mga bundok ay pinipisan.
26 Ang mga kordero ay ukol sa iyong kasuutan, at ang mga kambing ay siyang halaga ng bukid:
27 At magkakaroon ng kasiyahang gatas ng kambing sa iyong pagkain, sa pagkain ng iyong sangbahayan; at pagkain sa iyong mga alilang babae.
Mga Kawikaan 27 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 27:24-27 in Banal na Bibliya

24 dahil ang kayamanan ay hindi panghabang panahon. Ang isang korona ba ay nanatili sa lahat ng mga henerasyon?
25 Ang damo ay nawawala at lumilitaw ang bagong tubo at tinipon ang pagkain ng baka sa kabundukan.
26 Ang mga tupa ay magbibigay ng iyong kasuotan, at ang mga kambing ay magbibigay ng halaga para sa bukid.
27 Magkakaroon ng gatas ng kambing para sa iyong pagkain—ang pagkain para sa iyong sambahayan—at pagkain para sa iyong mga aliping babae.
Mga Kawikaan 27 in Banal na Bibliya