Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 26:2-4 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 26:2-4 in Ang Dating Biblia (1905)

2 Kung paano ang maya sa kaniyang paggagala, kung paano ang langaylangayan sa kaniyang paglipad, gayon ang sumpa na walang kadahilanan ay hindi tumatalab.
3 Ang paghagupit ay sa kabayo, ang paningkaw ay sa asno, at ang pamalo ay sa likod ng mga mangmang.
4 Huwag mong sagutin ang mangmang ng ayon sa kaniyang kamangmangan, baka ikaw man ay maging gaya rin niya.
Mga Kawikaan 26 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 26:2-4 in Banal na Bibliya

2 Gaya ng isang maya na mabilis na nagpapalipat-lipat at ng layanglayang na humahagibis kapag sila ay lumilipad, gayundin hindi tatalab ang isang sumpa na hindi nararapat.
3 Ang latigo ay para sa kabayo, ang kabisada ay para sa asno, at ang pamalo ay para sa likod ng mga hangal.
4 Huwag sagutin ang isang hangal at sumali sa kanyang kahangalan, o magiging tulad ka niya.
Mga Kawikaan 26 in Banal na Bibliya