Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 26:10-13 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 26:10-13 in Ang Dating Biblia (1905)

10 Kung paano ang mamamana sumusugat sa lahat, gayon ang umupa sa mangmang at umuupa sa pagayongayon.
11 Kung paano ang aso na bumabalik sa kaniyang suka, gayon ang mangmang na umuulit ng kaniyang kamangmangan.
12 Nakikita mo ba ang taong pantas sa ganang kaniyang sarili. May higit na pagasa sa mangmang kay sa kaniya.
13 Sinabi ng tamad, may leon sa daan; isang leon ay nasa mga lansangan.
Mga Kawikaan 26 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 26:10-13 in Banal na Bibliya

10 Ang isang mamamana na sumusugat ng lahat ay tulad ng isang umuupa ng isang hangal o ng kahit sinumang dumadaan.
11 Gaya ng isang asong bumabalik sa kanyang sariling suka, ganoon din ang isang hangal na inuulit ang kanyang kahangalan.
12 Nakikita mo ba ang taong marunong sa kanyang sariling paningin? Higit na may pag-asa ang isang hangal kaysa sa kanya.
13 Ang tamad na tao ay nagsasabing, “May isang leon sa kalsada! May isang leon sa pagitan ng mga lantad na lugar!
Mga Kawikaan 26 in Banal na Bibliya