Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 26:1-10 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 26:1-10 in Ang Dating Biblia (1905)

1 Kung paano ang niebe sa taginit, at kung paano ang ulan sa pagaani, gayon ang karangalan ay hindi nababagay sa mangmang.
2 Kung paano ang maya sa kaniyang paggagala, kung paano ang langaylangayan sa kaniyang paglipad, gayon ang sumpa na walang kadahilanan ay hindi tumatalab.
3 Ang paghagupit ay sa kabayo, ang paningkaw ay sa asno, at ang pamalo ay sa likod ng mga mangmang.
4 Huwag mong sagutin ang mangmang ng ayon sa kaniyang kamangmangan, baka ikaw man ay maging gaya rin niya.
5 Sagutin mo ang mangmang ayon sa kaniyang kamangmangan, baka siya'y maging pantas sa ganang kaniya.
6 Siyang nagsusugo ng pasugo sa pamamagitan ng kamay ng mangmang naghihiwalay ng kaniyang mga paa, at umiinom sa kasiraan.
7 Ang mga hita ng pilay ay nabibitin: gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang.
8 Kung paano ang isa'y nagbabalot ng isang bato sa isang lambanog, gayon ang nagbibigay ng karangalan sa mangmang.
9 Kung paano ang tinik na tumutusok sa kamay ng lango, gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang.
10 Kung paano ang mamamana sumusugat sa lahat, gayon ang umupa sa mangmang at umuupa sa pagayongayon.
Mga Kawikaan 26 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 26:1-10 in Banal na Bibliya

1 Tulad ng niyebe sa tag-araw o ulan sa panahon ng tag-ani, ang isang hangal na hindi karapat-dapat sa karangalan.
2 Gaya ng isang maya na mabilis na nagpapalipat-lipat at ng layanglayang na humahagibis kapag sila ay lumilipad, gayundin hindi tatalab ang isang sumpa na hindi nararapat.
3 Ang latigo ay para sa kabayo, ang kabisada ay para sa asno, at ang pamalo ay para sa likod ng mga hangal.
4 Huwag sagutin ang isang hangal at sumali sa kanyang kahangalan, o magiging tulad ka niya.
5 Sumagot sa isang hangal at sumali sa kaniyang kahangalan upang hindi siya maging marunong sa kaniyang sariling paningin.
6 Sinumang magpadala ng isang mensahe sa pamamagitan ng kamay ng isang hangal ay pinuputol ang kaniyang sariling mga paa at umiinom nang karahasan.
7 Ang mga binti ng isang paralitiko na nakabitin ay tulad ng isang kawikaan sa bibig ng mga hangal.
8 Ang pagtatali ng bato sa isang tirador ay gaya ng pagbibigay karangalan sa isang hangal.
9 Ang halamang tinik na hawak ng isang lasing ay tulad ng isang kawikaan sa bibig ng mga hangal.
10 Ang isang mamamana na sumusugat ng lahat ay tulad ng isang umuupa ng isang hangal o ng kahit sinumang dumadaan.
Mga Kawikaan 26 in Banal na Bibliya