Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 24:4-7 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 24:4-7 in Ang Dating Biblia (1905)

4 At sa pamamagitan ng kaalaman ay napupuno ang mga silid, ng lahat na mahalaga at maligayang mga kayamanan.
5 Ang pantas na tao ay malakas; Oo, ang taong maalam ay lumalago ang kapangyarihan.
6 Sapagka't sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka: at sa karamihan ng mga tagapayo ay may kaligtasan.
7 Karunungan ay totoong mataas sa ganang mangmang: hindi niya ibinubuka ang kaniyang bibig sa pintuang-bayan.
Mga Kawikaan 24 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 24:4-7 in Banal na Bibliya

4 Sa kaalaman ang mga silid ay puno ng lahat ng mga mamahalin at kaaya-ayang kayamanan.
5 Ang isang matalinong tao ay nagpapatunay na malakas, at ang isang taong mayroong kaalaman ay mas maigi kaysa sa isang malakas,
6 sapagkat sa matalinong mga utos kaya mong itaguyod ang iyong digmaan, at kasama ang maraming mga tagapangaral mayroong tagumpay.
7 Ang karunungan ay masyadong mataas para sa isang mangmang; sa tarangkahan hindi niya binubuksan ang kaniyang bibig.
Mga Kawikaan 24 in Banal na Bibliya