Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 24:4-10 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 24:4-10 in Ang Dating Biblia (1905)

4 At sa pamamagitan ng kaalaman ay napupuno ang mga silid, ng lahat na mahalaga at maligayang mga kayamanan.
5 Ang pantas na tao ay malakas; Oo, ang taong maalam ay lumalago ang kapangyarihan.
6 Sapagka't sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka: at sa karamihan ng mga tagapayo ay may kaligtasan.
7 Karunungan ay totoong mataas sa ganang mangmang: hindi niya ibinubuka ang kaniyang bibig sa pintuang-bayan.
8 Siyang kumakatha ng paggawa ng kasamaan, tatawagin siya ng mga tao na masamang tao.
9 Ang pagiisip ng kamangmangan ay kasalanan: at ang mangduduwahagi ay karumaldumal sa mga tao.
10 Kung ikaw ay manglupaypay sa kaarawan ng kasakunaan, ang iyong kalakasan ay munti.
Mga Kawikaan 24 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 24:4-10 in Banal na Bibliya

4 Sa kaalaman ang mga silid ay puno ng lahat ng mga mamahalin at kaaya-ayang kayamanan.
5 Ang isang matalinong tao ay nagpapatunay na malakas, at ang isang taong mayroong kaalaman ay mas maigi kaysa sa isang malakas,
6 sapagkat sa matalinong mga utos kaya mong itaguyod ang iyong digmaan, at kasama ang maraming mga tagapangaral mayroong tagumpay.
7 Ang karunungan ay masyadong mataas para sa isang mangmang; sa tarangkahan hindi niya binubuksan ang kaniyang bibig.
8 Mayroong isang nagbabalak na gumawa ng masama— tinatawag siya ng mga tao na bihasa sa mga masamang balakin.
9 Ang isang hangal na hangarin ay kasalanan, at ang mga tao ay hinahamak ang nangungutya.
10 Kung ipinapakita mo ang iyong kaduwagan sa araw ng kaguluhan, kung gayon ang iyong lakas ay hindi sapat.
Mga Kawikaan 24 in Banal na Bibliya