Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 24:30-32 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 24:30-32 in Ang Dating Biblia (1905)

30 Ako'y nagdaan sa tabi ng bukid ng tamad, at sa tabi ng ubasan ng taong salat sa unawa;
31 At, narito, tinubuang lahat ng mga tinik, ang ibabaw niyaon ay natakpan ng mga dawag, at ang bakod na bato ay nabagsak.
32 Ako nga'y tumingin, at aking binulay na mabuti: aking nakita, at tumanggap ako ng turo.
Mga Kawikaan 24 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 24:30-32 in Banal na Bibliya

30 Dumaan ako sa bukirin ng isang tamad na tao, lagpas sa ubasan ng taong walang isip.
31 Ang mga tinik ay tumubo sa lahat ng dako, ang lupa ay nababalot ng halamang matinik at ang batong pader nito ay sira.
32 Pagkatapos ay nakita ko at pinag-isipan ito; tumingin ako at nakatanggap ng katuruan.
Mga Kawikaan 24 in Banal na Bibliya