Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 24:26-32 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 24:26-32 in Ang Dating Biblia (1905)

26 Siya'y humahalik sa mga labi niyaong nagbibigay ng matuwid na sagot.
27 Ihanda mo ang iyong gawa sa labas, at ihanda mo sa iyo sa parang; at pagkatapos ay itayo mo ang iyong bahay.
28 Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapuwa ng walang kadahilanan; at huwag kang magdaya ng iyong mga labi.
29 Huwag mong sabihin, gagawin kong gayon sa kaniya na gaya ng ginawa niya sa akin: aking ibibigay sa tao ang ayon sa kaniyang gawa.
30 Ako'y nagdaan sa tabi ng bukid ng tamad, at sa tabi ng ubasan ng taong salat sa unawa;
31 At, narito, tinubuang lahat ng mga tinik, ang ibabaw niyaon ay natakpan ng mga dawag, at ang bakod na bato ay nabagsak.
32 Ako nga'y tumingin, at aking binulay na mabuti: aking nakita, at tumanggap ako ng turo.
Mga Kawikaan 24 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 24:26-32 in Banal na Bibliya

26 Ang isang nagbibigay ng tapat na sagot ay nagbibigay ng halik sa mga labi.
27 Ihanda mo ang iyong panlabas na gawain, at gawin mong handa ang lahat para sa iyong sarili sa bukirin; pagkatapos noon, itayo mo ang iyong bahay.
28 Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapwa nang walang dahilan at huwag kang manlinlang gamit ang iyong mga labi.
29 Huwag mong sabihing, “Gagawin ko sa kaniya kung ano ang ginawa niya sa akin; babalikan ko siya dahil sa kaniyang ginawa.”
30 Dumaan ako sa bukirin ng isang tamad na tao, lagpas sa ubasan ng taong walang isip.
31 Ang mga tinik ay tumubo sa lahat ng dako, ang lupa ay nababalot ng halamang matinik at ang batong pader nito ay sira.
32 Pagkatapos ay nakita ko at pinag-isipan ito; tumingin ako at nakatanggap ng katuruan.
Mga Kawikaan 24 in Banal na Bibliya