Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 24:18-26 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 24:18-26 in Ang Dating Biblia (1905)

18 Baka makita ng Panginoon, at ipagdamdam ng loob siya, at kaniyang ihiwalay ang poot niya sa kaniya.
19 Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng masama; ni maging mapanaghiliin ka man sa masama:
20 Sapagka't hindi magkakaroon ng kagantihan sa masamang tao; ang ilawan ng masama ay papatayin.
21 Anak ko, matakot ka sa Panginoon at sa hari: at huwag kang makisalamuha sa kanila na mapagbago:
22 Sapagka't ang kanilang kasakunaan ay darating na bigla; at sinong nakakaalam ng kasiraan nila kapuwa?
23 Ang mga ito man ay sabi rin ng pantas. Magkaroon ng pagtangi ng mga pagkatao sa kahatulan, ay hindi mabuti.
24 Siyang nagsasabi sa masama, Ikaw ay matuwid; susumpain siya ng mga bayan, kayayamutan siya ng mga bansa:
25 Nguni't silang nagsisisaway sa kaniya ay magkakaroon ng kaluguran, at ang mabuting pagpapala ay darating sa kanila.
26 Siya'y humahalik sa mga labi niyaong nagbibigay ng matuwid na sagot.
Mga Kawikaan 24 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 24:18-26 in Banal na Bibliya

18 o si Yahweh ay makikita at tututulan at tatalikuran ang kaniyang galit mula sa kaniya.
19 Huwag kang mag-alala dahil sa kanila na gumagawa ng mga masasamang bagay, at huwag kang mainggit sa mga masasamang tao,
20 sapagkat ang masamang tao ay walang kinabukasan, at ang ilawan ng masama ay mamamatay.
21 Matakot kay Yahweh, at matakot sa hari, aking anak; huwag makisama sa mga naghihimagsik laban sa kanila,
22 sapagkat darating nang biglaan ang kanilang kapamahakan at sino ang nakakaalam nang lawak ng pagkawasak na parehong darating mula sa kanila?
23 Ito rin ang mga kasabihan ng matalino. Ang pagkiling sa paghahatol ng isang kaso sa batas ay hindi mabuti.
24 Sinuman ang nagsasabi sa may kasalanan, “Ikaw ay nasa tama,” ay susumpain ng mga tao at kapopootan ng mga bansa.
25 Pero sila na pinagsasabihan ang masama ay magkakaroon ng galak, at ang mga kaloob nang kabutihan ay darating sa kanila.
26 Ang isang nagbibigay ng tapat na sagot ay nagbibigay ng halik sa mga labi.
Mga Kawikaan 24 in Banal na Bibliya