Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 24:18-21 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 24:18-21 in Ang Dating Biblia (1905)

18 Baka makita ng Panginoon, at ipagdamdam ng loob siya, at kaniyang ihiwalay ang poot niya sa kaniya.
19 Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng masama; ni maging mapanaghiliin ka man sa masama:
20 Sapagka't hindi magkakaroon ng kagantihan sa masamang tao; ang ilawan ng masama ay papatayin.
21 Anak ko, matakot ka sa Panginoon at sa hari: at huwag kang makisalamuha sa kanila na mapagbago:
Mga Kawikaan 24 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 24:18-21 in Banal na Bibliya

18 o si Yahweh ay makikita at tututulan at tatalikuran ang kaniyang galit mula sa kaniya.
19 Huwag kang mag-alala dahil sa kanila na gumagawa ng mga masasamang bagay, at huwag kang mainggit sa mga masasamang tao,
20 sapagkat ang masamang tao ay walang kinabukasan, at ang ilawan ng masama ay mamamatay.
21 Matakot kay Yahweh, at matakot sa hari, aking anak; huwag makisama sa mga naghihimagsik laban sa kanila,
Mga Kawikaan 24 in Banal na Bibliya