Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 24:17-20 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 24:17-20 in Ang Dating Biblia (1905)

17 Huwag kang magalak pagka ang iyong kaaway ay nabubuwal, at huwag matuwa ang iyong puso pagka siya'y nabubuwal:
18 Baka makita ng Panginoon, at ipagdamdam ng loob siya, at kaniyang ihiwalay ang poot niya sa kaniya.
19 Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng masama; ni maging mapanaghiliin ka man sa masama:
20 Sapagka't hindi magkakaroon ng kagantihan sa masamang tao; ang ilawan ng masama ay papatayin.
Mga Kawikaan 24 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 24:17-20 in Banal na Bibliya

17 Huwag magdiwang kapag ang iyong kaaway ay bumagsak at huwag hayaan ang iyong puso ay magalak kapag siya ay nadapa,
18 o si Yahweh ay makikita at tututulan at tatalikuran ang kaniyang galit mula sa kaniya.
19 Huwag kang mag-alala dahil sa kanila na gumagawa ng mga masasamang bagay, at huwag kang mainggit sa mga masasamang tao,
20 sapagkat ang masamang tao ay walang kinabukasan, at ang ilawan ng masama ay mamamatay.
Mga Kawikaan 24 in Banal na Bibliya