Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 24:12-13 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 24:12-13 in Ang Dating Biblia (1905)

12 Kung iyong sinasabi, narito, hindi kami nakakaalam nito: hindi ba niya binubulay na tumitimbang ng mga puso? At siyang nagiingat ng iyong kaluluwa, hindi ba niya nalalaman? At hindi ba niya gagantihin ang bawa't tao ayon sa gawa niya?
13 Anak ko, kumain ka ng pulot, sapagka't mabuti; at ng pulot-pukyutan na matamis sa iyong lasa:
Mga Kawikaan 24 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 24:12-13 in Banal na Bibliya

12 Kung sinabi mo, “Diyan! Wala kaming alam tungkol dito.” Hindi ba't ang Siyang nagtitimbang ng puso ay naiintindihan kung ano ang sinasabi mo? At Siyang nagbabantay ng iyong buhay, hindi ba niya alam ito? At hindi ba ibibigay ng Diyos sa bawat isa kung ano ang karapat-dapat sa kaniya?
13 Aking anak, kumain ng pulot dahil ito ay mabuti, dahil ang mga katas ng pulut-pukyutan ay matamis sa iyong panlasa.
Mga Kawikaan 24 in Banal na Bibliya