Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 23:33-35 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 23:33-35 in Ang Dating Biblia (1905)

33 Ang iyong mga mata ay titingin ng mga katuwang bagay, at ang iyong puso ay nagbabadya ng mga magdarayang bagay.
34 Oo, ikaw ay magiging parang nahihiga sa gitna ng dagat, o parang nahihiga sa dulo ng isang palo ng sasakyan.
35 Kanilang pinalo ako, iyong sasalitain, at hindi ako nasaktan; kanilang hinampas ako, at hindi ko naramdaman: kailan gigising ako? aking hahanapin pa uli.
Mga Kawikaan 23 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 23:33-35 in Banal na Bibliya

33 Ang iyong mga mata ay makakakita ng kakaibang mga bagay at ang iyong puso ay magsasabi ng napakasamang mga bagay.
34 Ikaw ay magiging gaya ng isang natutulog sa mataas na karagatan o humihiga sa ibabaw ng isang duyan.
35 “Tinamaan nila ako!” iyong sasabihin, “pero ako ay hindi nasaktan. Binugbog nila ako, pero hindi ko ito naramdaman. Kailan ako magigising? Maghahanap ako ng isa pang maiinom.”
Mga Kawikaan 23 in Banal na Bibliya