14 dahil kung siya ay iyong papaluin, siya ay hindi mamamatay. Kung siya ay iyong papaluin, iyong ililigtas ang kaniyang kaluluwa mula sa sheol.
15 Aking anak, kung ang iyong puso ay marunong, sa gayon ang aking puso ay magiging masaya rin;
16 ang aking kaloob-looban ay magagalak kapag ang iyong labi ay magsasalita ng nang matuwid.
17 Huwag mong hayaang mainggit ang iyong puso sa mga makasalanan, pero magpatuloy sa takot kay Yahweh sa buong araw.
18 Siguradong may kinabukasan at ang iyong pag-asa ay hindi mapuputol.
19 Makinig, aking anak, at maging matalino at patnubayan ang iyong puso sa daan.
20 Huwag makikisama sa mga lasenggero, o sa mga matatakaw na kumakain ng karne,
21 dahil ang lasenggero at ang matakaw ay nagiging mahirap, at ang naiidlip ay madadamitan ng mga basahan.
22 Makinig sa iyong ama na nag-alaga sa iyo at huwag hamakin ang iyong ina kung matanda na siya.
23 Bilhin ang katotohanan, ngunit huwag itong ipagbili; bilhin ang karunungan, disiplina at pang-unawa.
24 Ang ama ng isang gumagawa ng matuwid ay labis na magagalak at siya na nag-alaga sa isang matalinong bata ay matutuwa sa kaniya.
25 Hayaang matuwa ang iyong ama at ang iyong ina at hayaang magsaya ang siyang nagsilang sa iyo.
26 Aking anak, ituon mo sa akin ang iyong puso, at hayaan mong mamasdan ng iyong mga mata ang aking mga paraan.
27 Dahil ang isang bayarang babae ay isang malalim na hukay at ang asawa ng ibang lalaki ay isang makitid na hukay.