Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 23:12-16 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 23:12-16 in Ang Dating Biblia (1905)

12 Ihilig mo ang iyong puso sa turo, at ang iyong mga pakinig sa mga salita ng kaalaman.
13 Huwag mong ipagkait ang saway sa bata: sapagka't kung iyong hampasin siya ng pamalo, siya'y hindi mamamatay.
14 Iyong hahampasin siya ng pamalo, at ililigtas mo ang kaniyang kaluluwa sa Sheol.
15 Anak ko, kung ang iyong puso ay magpakapantas, ang puso ko'y matutuwa sa makatuwid baga'y ang akin:
16 Oo, ang aking puso ay magagalak pagka ang iyong mga labi ay nangagsasalita ng matuwid na mga bagay.
Mga Kawikaan 23 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 23:12-16 in Banal na Bibliya

12 Ilagay ang iyong puso sa pagtuturo at buksan ang iyong mga tainga sa mga salita ng karunungan.
13 Huwag pigilin ang disiplina sa isang bata,
14 dahil kung siya ay iyong papaluin, siya ay hindi mamamatay. Kung siya ay iyong papaluin, iyong ililigtas ang kaniyang kaluluwa mula sa sheol.
15 Aking anak, kung ang iyong puso ay marunong, sa gayon ang aking puso ay magiging masaya rin;
16 ang aking kaloob-looban ay magagalak kapag ang iyong labi ay magsasalita ng nang matuwid.
Mga Kawikaan 23 in Banal na Bibliya