Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 21:26-30 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 21:26-30 in Ang Dating Biblia (1905)

26 May nagiimbot sa kasakiman buong araw: nguni't ang matuwid ay nagbibigay at hindi nagkakait.
27 Ang hain ng masama ay karumaldumal: gaano pa nga, pagka kaniyang dinadala na may masamang isip!
28 Ang sinungaling na saksi ay mamamatay: nguni't ang taong nakikinig ay magsasalita upang mamalagi.
29 Ang masamang tao ay nagmamatigas ng kaniyang mukha; nguni't tungkol sa taong matuwid, nagaayos ng kaniyang mga lakad.
30 Walang karunungan, o kaunawaan man, O payo man laban sa Panginoon.
Mga Kawikaan 21 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 21:26-30 in Banal na Bibliya

26 Buong araw siyang nagmimithi at nagmimithi nang labis, ngunit ang isang gumagawa ng tama ay nagbibigay at hindi nagpipigil.
27 Ang alay ng masamang tao ay kasuklam-suklam; ito ay mas kasuklam-suklam pa kapag dinala niya ito ng may masasamang motibo.
28 Ang hindi totoong saksi ay mamamatay, ngunit ang isang nakikinig ay magsasalita sa lahat ng oras.
29 Ang masamang lalaki ay ginagawa ang sarili na tila malakas, pero ang matuwid na tao ay maingat sa kaniyang mga kilos.
30 Walang karunungan, pag-unawa o payo na kayang makatalo kay Yahweh.
Mga Kawikaan 21 in Banal na Bibliya